Thursday, July 15, 2010

brain switch off..

(click) LIGHTS ON..

brain works remains a mystery..
brain controls the other organ systems of the body..
brain allows rapid and coordinated responses to changes in the environment..



ilan lang yan sa mga sinasabi ng sites tulad ng wikipedia. kung sabagay tama nga naman. pero pano naman yung mga ayaw na ng katawan o puso nila pero un yung sinasabi ng utak nila? anong magagawa mo eh sabi nga, brain controls the other organ systems of the body. ang hirap no? wala talagang binibigay si God na puro sa ikabubuti mo lang. kahit ayaw mo na kung hindi yan yung dapat o hindi pa dapat, hindi nia ibibigay. or kahit gusto mo pa, kung hindi na dapat wala kang magagawa. minsan nga, gusto kong tumigil muna sa lahat. sa sakit, sa saya, sa pag iisip, sa pagod, sa pagpapaliwanag, sa pakikinig. in short, sa LAHAT.


minsan, bigla mo nalang mararamdaman na sana pwede kong i-off yung utak ko sa mga panahong pakiramdam ko hindi ko na kaya.

ano nga bang mga posibleng dahilan kung kelan mo maiisip na gusto mo munang tumigil?

  • kapag sabi ng puso mo na tama na muna?
  • kapag pagod ka na kakaisip?
  • kapag sawa ka ng makinig?
  • kapag wala namang nangyayari?
  • kapag sobrang sakit na at gusto mo na munang magpahinga?
  • kapag wala ng pag-asa?
  • kapag ayaw na nia at ikaw gusto mo pa?
  • kapag nasira na ang mga pangakong pinangako nia?
  • kapag wala namang nakikinig sa mga paliwanag mo?
  • kapag umaasa ka lang pala sa wala?
  • kapag pagod ka ng umiyak?

INITIALIZING..

masakit ang iwan ng taong mahal mo ng biglaan. yung akala mo ok pa ang lahat pero hindi na pala. yung wala kang magawa dahil sya yung umaayaw. di maiwasang umiyak kasi nasaktan ka. kahit alam nating wala ng patutunguhan o maitutulong ang pag iyak. biglang maglalaho ang mga plano sa buhay na kasama sya. minsan nga umaasa ka pa. kahit alam mo namang wala ka ng aasahan. madami at iba't iba ang anggulo ng dahilan kung bakit natatapos ang isang relasyon. merong kaylangan tapusin kasi hindi na daw healthy ung relationship. meron namang may dumating na mas nakakapagpasaya sa kanya. meron ding sa tagal nagsawa na. meron din namang hindi ikaw ang prioritize kaya ka igigive up. merong ayaw ng magulang. ahhh basta! kahit anong anggulo man yan masakit sa bandang huli.


DOWNLOADING..

at dahil nga nasaktan ka, dito mo malalaman kung sino ang mga tunay mong kaibigan. meron kasing mga kaibigan na nandyan kapag may kailangan. pero pag ikaw na ung nangangailangan di mo na maaasahan. meron ding nandyan kapag on the top ka pero pag hindi na wala na. un bang para ngang hindi ka pa kilala. meron ding kaibigan ka kasi kaibigan ka ng gusto nila. ginagawa kang bridge kumbaga. minsan nga, kung sino yung lagi mong kasama akala mo sya yung tunay mong kaibigan un pla hindi. kung sino pa yung mga taong minsan mo lang makita, makasama at makausap sila pa yung mas tunay na kaibigan.


PIECE OF ADVICE..


never take someone for granted.. maybe by now, they are always there, doing ordinary things.. again and again.. and sometimes, it does not make sense.. but you will never know the importance of that person until they chose to leave, and you realized how badly you missed that person and all the NON-SENSE things he used to do, for he is the one who can turn the ordinary to something special..



SIGNING OFF..





(click) LIGHTS OFF..




No comments:

Post a Comment