Saturday, December 11, 2010

hardest favor i ever had..

bakit minsan may mga bagay na kaylangan mong pilitin intindihin para maintindihan mo ang mga dapat mong maintindihan..

kahit mahirap..

basta mahal mo lahat posible.. db?
kahit hindi mo alam kung saan at pano ka magsisimula..
kung paano ka nya mapapatawad sa mga nagawa mong kasalanan na hindi mo naman sinasadya.. kahit handa kang baguhin lahat para hindi lang sya mawala..
ganun ata talaga pag ikaw ung iniwan..
pakiramdam mo lahat ikaw yung may kasalanan..

totoo bang hindi sapat ang mahal lng?
akala ko ba basta mahal mo lahat posible..
na kahit anong mangyari ipaglalaban at ipaglalaban mo ang lahat para sa mahal mo..
na hindi mo sya gagawing saktan at iwan kasi mahal mo..
mahirap din maniwala at ibalik ang nasira mong tiwala sa isang bagay na kahit anong gawin mo alam mong mali, pero pinipilit mong gawing tama kasi mahal mo.. indenial kumbaga..
kahit harap-harapan ng ipamukha sayo lahat, iniisip mo hindi yon totoo kasi sabi nya 'mahal kita'.. at syempre naniniwala ka dun..

hanggang kelan ba kaylangan magpatanga?
tama pa ba na magpatanga para sa mahal mo?
kung tutuusin, sa una palang kung mahal ka talaga, hindi naman sila gagawa ng kahit anong bagay na alam nilang masasaktan ka di ba?


mali din pala yung mga dahilan na..
  • siguro kaylangan muna natin ng time para sa sarili natin..
  • gusto ko munang mapag-isa..
  • hindi na kita mabibigyan ng time..
  • magfocus muna tayo para sa future natin..
  • hindi ako ang karapat-dapat para sayo..
  • hindi ko kayang ibigay sayo lahat ng gusto mo..
  • para sayo din tong ginagawa ko..
pwede naman kasing sabihin na... 'hindi na kita mahal' o 'may iba na akong mahal' db? gagawa ka na din lang ng ikasasakit ng mahal mo bakit hindi mo pa sabihin ung totoo. in the first place, ginusto mo to, kaya panindigan mo..

minsan, ang hirap din talagang intindihin ng mga lalake.. meron dyan na itetake for granted ka lang.. meron din na tinitimbang muna kung sino yung mas kaylangan nila.. at pag nakapili na iiwanan na yung isa ng walang kalaban-laban.. meron dyan na gusto lang na may ipangdidisplay sa mga kaibigan nya para di sya mapag iwanan. meron din dyan na kaylangan ka lang pag kaylangan ng tulong.. meron ding iiwanan ka kasi may nakita na mas maganda, mas masaya kasama, mas mapapakinabangan nya at pag ayaw na nya dun saka sya babalik sayo.. at kasi nga alam nilang mahal mo sya.. ikaw naman, dahil mahal mo nga magpapadala ka..
lahat pabor lang sa kanila.. SELFISH db?


No comments:

Post a Comment